Monday, July 1, 2013
Tulang Kalye, Bow.
Una kong naisip ang konsepto ng "tulang kalye" nung naghahanap ako ng maiiksing masusulat na tula tungkol sa mga nakikita ko sa pagitan ng mga lugar na nadaraanan ko mula sa mga tinitirahan patungo sa mga pupuntahan. Kasama kasi yun sa mga sinabi sa amin ni nung nagpapalihan kami sa PNL (Palihang Nasa Linya), na ang maisusulat madalas makikita sa mga lugar na yun. Gaya siguro ng mga Internet shop o palengke o banko o bayad center na pinupuntahan natin bago o pagkatapos pumasok sa paaralan o opisina (kung nag-aaral o nagtatrabaho). O maski sa mga kalsadang nilalakaran natin papunta sa kung saan mang miting o gimik o date.
Wednesday, May 1, 2013
musikonobenta
Ngayon ko lang na-realize nung hinahagilap ko na ang mga musikang napapakinggan ko dati--sa album man o radyo o mga mtv--na andami ko na palang bandang hindi nababalitaan: True Faith, Orient Pearl, Rizal Underground, Arkasia, Put3ska, atbp. Meron ding mga tipong musika noon na 'di ako gaano nakaka-relate (gaya ng The Youth) na mas naa-appreciate ko ngayon. (Pero sa lahat pala ng napapakinggan ko dati, mukhang hanggang ngayon 'di ko pa rin kayang sakyan ang tugtugin ng Agaw Agimat. . .)
Ba't nga kaya hindi na halus pinatutugtog ang mga bandang yun ngayon? At ba't wala na rin halus nailalabas na mga album nila? Baka epekto rin ng exposure sa mga programa sa radyo at telebisyon. Mukhang masyado na ring matipid ang programming ng dalawang medium na yun kung ibabatay sa mga naaabutan ko 'pag nasa labas ako--habang kumakain man kung saang kainan o habang bumibyahe sa bus. Kung ano na lang ang irekwes ng mga nakikinig o nanonood, at kung ano na lang ang mabilis kagatin, yun na lang ang pinatutugtog-pinalalabas.
Pagsusulat sa Panahon ng Palanca at Sari-sari Pang Kontes
Parang may tatlong kaugaliang nangingibabaw sa mga manunulat tuwing nalalapit na ang mga literary contest. Una, pinanghihinaan ng loob at lumalawak ang duda ng manunulat sa kanyang kakayahang makapagsulat ng akdang "katanggap-tanggap" sa nasabing kontes; pangalawa, magsusulat (o mas mainam sigurong sabihing "magdidisenyo") lang ang manunulat ng natatakdang pyesa na isasali para sa kontes; ikatlo, magpapapetiks-petiks ang manunulat at maghahabol ng isusulat na akda sa araw mismo ng deadline ng kontes.
Anyway, bago ang lahat, konting backgrounder muna. Until last year, hindi ako gaanong bilib sa mga literary contest. Pero dahil na rin sa pakikipagpalitang-kuro sa isang kapwa manunulat at kaibigan, nakumbinse rin naman n'ya ako na walang masamang sumali sa mga kontes. Dipende sa intensyon mo sa pagsali ng kontes. Sususugan ito ng isang "senyores" (read: "matanda" hahaha) na manunulat at kaibigan. Nasa attitude na raw natin yun bilang manunulat--yung, hindi lang naman talaga tayo magsusulat para lang sumali sa kontes. Na hindi tayo magsusulat lang para purihin tayo ng iba. . . Mga ganung tipo ng bagay.
Monday, April 8, 2013
Ang Kwento ng Braso ni Mercedes at Iba Pang Lihim na Pag-ibig ni Alexander Martin Remollino
Ay hindi ko pa isusulat sa post na ito.
. . .
Teka, 'wag ka munang umalis, hahahaha! Hindi pa ko tapos. Meron pang "pero". . .
PERO, may humihimok sa aking isulat ang talambuhay ni Alex. Hindi nga humihimok talaga. Nang-eengganyo kamo. Last year pa n'ya itinatanim sa utak ko ang ideyang yun, tapos ngayon lang nagbigay pa ng mga suggested topics na pwede kong simulan. Gaya ng mga lihim na pag-ibig, haha. Maski quick writing lang daw muna, konting edit, later na ang rewrite/revision. Ang husay magbenta ng ideya ng taong yun. Alam n'ya kung anu-anong ideya mismo ang makaka-inspire sa akin. Kung naging babae lang sana s'ya, pakakasalan ko na hahaha. . .
Kaya, isa sa mga iniisip ko, gumawa ng private blog na magiging repository ng mga draft ng serye ng mga creative nonfiction essays tungkol kay Alex. Creative nonfiction. Unang-una sa lahat, wala akong naaalalang maski sinong taong pinagsabihan na interesado ako sa genre na yun. Pero s'ya ang nagmungkahing isulat ko as creative nonfiction. Nakakatakot ang powers ng taong ito. . .
Anyway, private nga ang naiisip kong setting sa magiging blog na yun, pero kung may mga close friend na gustong mabasa ang magiging mga paskil dun pwede ko namang i-invite bilang mambabasa.
Ano sa tingin n'yo?
(P.S. Isa pa sa binebenta n'yang ideya, yun din ang gawin kong entry sa Palanca: creative nonfiction tungkol kay Alex.)
Friday, April 5, 2013
Masayang Magsulat. May Lungkot Din, at Minsan. . .
Nakakabaliw. Lalu na kung hindi ka naman nagsusulat as self-therapy o "self-expression-kuno" lang at isinasaalang-alang mo ang mambabasa mo. Lagi mong aalalahanin kung kaya bang mag-isang tumindig ng akda mo nang wala nang karagdagang paliwanag na gagastos sa laway mo.
Sa ganung dahilan, nakikita ko ang kahalagahan ng mga palihan o workshop. Malaki ang naitutulong ng input ng mga kapwa manunulat sa akda ko. Mukhang yun naman talaga ang punto ng workshop, yung matukoy ang posibleng mga kahinaan ng gawa mo at hindi magtapikan ng balikat ng isa't isa. May nakilala rin kasi akong dumalo sa isang workshop na mukhang ang habol lang mabilib ang mga kasama n'ya sa kanyang sinulat. Hindi yun ang silbi ng workshop. Yun ang silbi ng kontes, hahahaha (joke lang). . .
Subscribe to:
Posts (Atom)