Natatawa kasi ako tuwing naliligaw ako sa UP Diliman. Madalas akong magawi sa Bulwagang Rizal, kaya lagi kong nakikita yung makulit na subtitle na "Malaking Titik" dun sa sign nito. At dahil likas na marumi akong mag-isip, ayun, natural lang kung ano ang pumasok sa isip ko.
Tapos, kamakailan, napaglaruan ko lang yung ideya. Naisip ko, mahaba na ang kasaysayan ng panitikan. Gaya ng nakagawian, nag-shortcut na naman at nag-somersault ang utak ko. Kaya naging "Mahaba ang TitiK."
At dahil likas din naman sa marami ang karumihan ng pag-iisip, naisip ko magandang ipamagat sa isang blog o kung anuman. Catchy naman, 'di ba? Siguro, ni hindi nga kayo sisipaging mag-click nung link kung hindi dumumi ang utak ninyo pagkabasa nung pamagat.
Ayan, masyado kasi kayong bastos. 'Yan ang napapala n'yo, hahahaha!
No comments:
Post a Comment