Wednesday, May 1, 2013
musikonobenta
Ngayon ko lang na-realize nung hinahagilap ko na ang mga musikang napapakinggan ko dati--sa album man o radyo o mga mtv--na andami ko na palang bandang hindi nababalitaan: True Faith, Orient Pearl, Rizal Underground, Arkasia, Put3ska, atbp. Meron ding mga tipong musika noon na 'di ako gaano nakaka-relate (gaya ng The Youth) na mas naa-appreciate ko ngayon. (Pero sa lahat pala ng napapakinggan ko dati, mukhang hanggang ngayon 'di ko pa rin kayang sakyan ang tugtugin ng Agaw Agimat. . .)
Ba't nga kaya hindi na halus pinatutugtog ang mga bandang yun ngayon? At ba't wala na rin halus nailalabas na mga album nila? Baka epekto rin ng exposure sa mga programa sa radyo at telebisyon. Mukhang masyado na ring matipid ang programming ng dalawang medium na yun kung ibabatay sa mga naaabutan ko 'pag nasa labas ako--habang kumakain man kung saang kainan o habang bumibyahe sa bus. Kung ano na lang ang irekwes ng mga nakikinig o nanonood, at kung ano na lang ang mabilis kagatin, yun na lang ang pinatutugtog-pinalalabas.
Tapos, kahit uso na ang social media, parang ang hirap pa ring i-expose ng mga nasa network mo sa bagong tugtugin. Usually, papatol lang ang mga ka-network mo kung pamilyar ang kanta--o minsan kung marami nang pumatol at nag-like (pausuhan pa rin hahahaha). Ibang klaseng promotion ang kelangan mong gawin madalas para mapa-click lang ang mga ka-network mo sa link ng kung anung tugtugin na ni-share mo (o baka sa akin lang nangyayari yun hehe).
Siguro, yun pa rin. Dahil nga musika ang ipino-promote, hindi madaling daanin kung sa pamamagitan ng ibang senses maliban sa pandinig.
Actually, andami pa ring malulupit na bandang tumutugtog ngayon. Luma man o bago. Talagang wala lang gaanong exposure. Tugtog lang sa mga clubs, o kung saang concert/pasiklaban, tapos word-of-mouth ng mga nakarinig sa mga tropa-tropa nila.
Kelangan na rin talagang magkaroon ng bagong istasyon--sa radyo o telebisyon--na magke-cater uli sa band scene. Gaya ng LA105, NU107, o unTV. Sayang din yung mga bandang may potensyal na makaabot ng mas maraming tagapakinig.
At nagsasawa na rin akong marinig sa radyo ang Gangnam Style, Call Me Maybe, at Pusong Bato.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment