Wednesday, May 1, 2013
musikonobenta
Ngayon ko lang na-realize nung hinahagilap ko na ang mga musikang napapakinggan ko dati--sa album man o radyo o mga mtv--na andami ko na palang bandang hindi nababalitaan: True Faith, Orient Pearl, Rizal Underground, Arkasia, Put3ska, atbp. Meron ding mga tipong musika noon na 'di ako gaano nakaka-relate (gaya ng The Youth) na mas naa-appreciate ko ngayon. (Pero sa lahat pala ng napapakinggan ko dati, mukhang hanggang ngayon 'di ko pa rin kayang sakyan ang tugtugin ng Agaw Agimat. . .)
Ba't nga kaya hindi na halus pinatutugtog ang mga bandang yun ngayon? At ba't wala na rin halus nailalabas na mga album nila? Baka epekto rin ng exposure sa mga programa sa radyo at telebisyon. Mukhang masyado na ring matipid ang programming ng dalawang medium na yun kung ibabatay sa mga naaabutan ko 'pag nasa labas ako--habang kumakain man kung saang kainan o habang bumibyahe sa bus. Kung ano na lang ang irekwes ng mga nakikinig o nanonood, at kung ano na lang ang mabilis kagatin, yun na lang ang pinatutugtog-pinalalabas.
Pagsusulat sa Panahon ng Palanca at Sari-sari Pang Kontes
Parang may tatlong kaugaliang nangingibabaw sa mga manunulat tuwing nalalapit na ang mga literary contest. Una, pinanghihinaan ng loob at lumalawak ang duda ng manunulat sa kanyang kakayahang makapagsulat ng akdang "katanggap-tanggap" sa nasabing kontes; pangalawa, magsusulat (o mas mainam sigurong sabihing "magdidisenyo") lang ang manunulat ng natatakdang pyesa na isasali para sa kontes; ikatlo, magpapapetiks-petiks ang manunulat at maghahabol ng isusulat na akda sa araw mismo ng deadline ng kontes.
Anyway, bago ang lahat, konting backgrounder muna. Until last year, hindi ako gaanong bilib sa mga literary contest. Pero dahil na rin sa pakikipagpalitang-kuro sa isang kapwa manunulat at kaibigan, nakumbinse rin naman n'ya ako na walang masamang sumali sa mga kontes. Dipende sa intensyon mo sa pagsali ng kontes. Sususugan ito ng isang "senyores" (read: "matanda" hahaha) na manunulat at kaibigan. Nasa attitude na raw natin yun bilang manunulat--yung, hindi lang naman talaga tayo magsusulat para lang sumali sa kontes. Na hindi tayo magsusulat lang para purihin tayo ng iba. . . Mga ganung tipo ng bagay.
Subscribe to:
Posts (Atom)